Thursday, October 8, 2009

Pre - Marital Sex: Ugat ng Sex Education

Ang pre-marital sex ay isang uri ng sexual intercourse na kinasasangkutan ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ito ay pangkalahatang katawagan na pantukoy sa mga kabataan kasama na ang mga teenagers na ikakasal din naman balang araw subalit maagang nasasangkot sa isang sexual activity bago pa man din sa tamang panahon.

Ang iba’t-ibang kultura sa loob at labas ng bansa ay mayroong sari-saring pananaw sa moralidad ng sex ng mga hindi pa naikakasal. Ang iba’y sinasabing ang sex ay optional o depende sa tao kung pipiliing maagang masangkot sa nasabing aktibidad ngunit ang iba’y mariing itinatanggi ang sex sa mga hindi pa naikakasal.

Sa mga nakalipas na taon, ang moralidad sa pre-marital sex ay naging isang malaking usaping pampulitika sa United States at ang pag-uusap nila laban sa pre-marital sex ay ang pangunahing pundasyon ng abstinence-only sex education , ang programang sinuportahan ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush at ng ilang konserbatibong miyembro ng Kongreso ng United States. Subalit ang alituntuning ito ay hindi pinaboran ng ibang grupo tulad ng Planned Parenthood at ng marami pamg maka-progresibong miyembro ng kongreso. At ang pagtatalo ukol sa abstinence-only neducation ang siyang nagdala sa isyu ng pre-marital sex bilang mitsa ng pagkakaroon ng away at hidwaan ng iba’t-ibang kultura.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex. Isa sa apat na Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa nasabing isyu, ayon sa pag-aaral ng UP Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa taong ito ay sinasabing aabot sa 4 na milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital sex na mayroon di umanong 30 porsyentong responde ang ginagawa ito sa loob ng sariling pamamahay, samantalang 18 porsyento ang ginagawa naman ito sa loob ng mga motel at hotel.

Malaki ang naging epekto ng pre-marital sex, kasama na dito ang maagang pagbubuntis na nakadaragdag pa sa lumalalang bilang ng populasyon at kawalan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng kanilang mga magiging anak na magiging dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang mga ito ang nagsilbing ugat ng sex education.

Ang mga nasabing impormasyon ang nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang pre-marital sex. Lalo na at laganap na ito hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa buong mundo. Ang magagawa na lamang natin ay bigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na makadagdag pa sa populasyon, maagapan ang kahirapan at masupil ang iba’t-ibang sakit mula sa pakikipagtalik. Ang sex education ang responsable dito sapagkat mapadadali nito ang maselang usapan sa sex kung ang mga magulang o ibang tao ang magtuturo sa kabataan. Para naman sa mga bata, marapat na sila’y hubugin ng kanilang mga magulang sa konserbatibong pamumuhay ng mas mapadali ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng nababanggit.


Post by: Mylene Mariano

Wednesday, October 7, 2009

Bahay Bata

"Eh, ayoko na ng taguan. Gusto ko ibang laro naman" sabi ng batang si Jun
"Anong gusto mong laro?" Sabi naman ng kalarong si Ine
"Ang gusto ko, hmmm. Bahay bahayan!"
"Bahay bahayan?"
"Oo kaw nanay ako tatay"
"Ah sige sige"
"Dito ang bahay natin."
"Eh pano naman natin to lalaruin?"
"Kunyari nagluluto ka tapos ako nagtratrabaho."
"Sige magsali pa tayo ng iba para kunyari anak natin."
"Eh ayaw ko, tayo na lang gagawa kunyari. Napanood ko kasi sa dvd ni papa."

Ooops, teka lang bago ko ituloy ang kwento puputulin ko munang excitements nyo. Ngayon napapansin natin ang pagbabagong nagaganap sa ating panahon. Maraming kabataan ang sumasailalim sa premarital sex.

Kuryosidad o curiosity ang nagtutulak sa mga ito upang gawin ang mga bagay na hindi pa dapat gawin. Sila na mismo ang humahanap ng paraan upang masagot ang kanilang mga katanungan.

Ang pagtuturo ng sex education sa elementarya at high school ay hindi pa ganap na tangap ng publiko. Sa kadahilanang marurumihan daw ang isip ng mga ito kesyo hindi pa daw to napapanahon upang ituro sa kanila.

Ang kapangahasan ang bunga ng kuryosidad, kuryosidad na unti unting pumapatay sa sa pagkatao ng mga kabataan. Kuryosidad na nagbubunga upang tangkilikin ang mga pornopograpiyang materyales na naguudyok sa kanila upang gawin ang premarital sex.

"Eh baka magalit si nanay."
"Bakit naman sila magagalit eh ginagawa din naman nila yun"
"Baka kasi magalit siya"
"Hindi yan bakit sasabihin mo ba?"
"hmm. Sige na nga."
"Ine! Asan ka na bang bata ka?"
Si inay tinatawag na ko. Sige next time nalang paalam."


Post by: Marinel Angeli Reyes

Tuesday, October 6, 2009

"munTEEN INA"

A. Ang Teenage Pregnancy

Isa ang Pilipinas sa mga bansang my malaking populasyon at sa pagdaan ng panahon ay patuloy ang paglobo nito.Ayon sa census ang populasyon ng Pilipinas nuong taong 2000 ay nasa 76.50 milyon at umabot sa 88.57 milyon nuong 2007 na nangangahulugan ng 2.04 porsyento ng pagtaas ng populasyon mula 2000-2007.

Isang salik dito ay ang pagsabak ng mga kabataan sa premarital sex nang hindi gumagamit ng natural at artipisyal na fammily planning na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis nga mga kabataang babae na may edad na 13-18.


B. Dahilan ng Teenage Pregnancy

1. KAKULANGAN SA EDUKASYON - Kakulangan sa kaalaman sa mga tamang gawain dahil mababa ang antas na pinag-aralan.

2. PEER PRESSURE - Ang mga kaibigan ang kadalasan nguudyok sa mga kabataan na gumawa ng maling desisyon,kasama na din dito ang premarital sex.nagsasanhi ito ng maling landas.

3. KAHIRAPAN - Kahirapan din ang sanhi ng problema sa pamilya na siya namang nagdudulot ng pagrerebelde ng kabataan.

4. MEDIA - Ang internet,telebisyon etc. ay dahilan ng pagkamulat ng kaisipan ng mga kabataan sa sex,hindi ito maiiwasan dahil patuloy ang paglaganap ng impormasyon ukol sa sex.

5. EMOTIONAL BLACKMAIL - Ginagamit ito ng mga kalalakihan sa kababaihan kung saan napapatunayan ang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik.


C. Epekto ng Teenage Pregnancy

1. PISIKAL, MENTAL, EMOSYONAL AT SIKOLOHIYAL NA SULIRANIN - Dulot ng teentage pregnancy sa mga kaanak,magulang at sa mga bata.Dahil sa hidi handang katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng premature birth,at iba pang koplikasyon sa pisikal at mental.


2. SAKIT NA KAUGNAY SA TEENAGE PREGNANCY - maraming sakit sa katawan ang na pwede makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng(chronic diseases,respiratory diseases at body impairments). Lalu n ang STD o sexually transmitted diseases.


3. PAGKASIRA NG KINABUKASAN - ang mga maagang nag-bubuntis ay maaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pagpasok sa paaralan,Ang sapilitang paghinto ng pagaaral ay nagdudulot ng pagkasira ng magandang kinabukasan.


D. Solusyon sa Teenage Pregnancy

1. CONTRACEPTIVES AT FAMILY PLANNING - Ang paggamit ng condom o birth control pills at iba pang contraseptives ay isang uri ng pagpigil ng maagang pagbubuntis,Ngunit ang pinakamagandang paraan ay ang family planning.


2. PAGPAPATIBAY NG RELASYON - mahalagang panatilihing buo ang relasyon ng teenage sa pamilya,panatilihin ang pananampalataya,at panatilihing nakatutok sa pagaaral.


3. PAGTUTURO SA KABATAAN SA SEKSWALIDAD - ang pagkakaruon ng awareness programs tungkol sa edukasyon sa sex at kung papaano mahahawakan ang adolescent period ng mabuti ay makakatulong ng malaki para matigil ang pagkakaruon ng maagang pagbubuntis at ang pakikisuong ng mga kabataan sa premarital sex.


“Believing that true love waits, I make a commitment to God, myself, my family, my friends, my future mate, and my future children to a lifetime of purity including sexual abstinence from this day until the day I enter a biblical marriage relationship.”


Post by: Arhien D.C.
Villarin

SEX!!Kailangan bang gawin ng mga kabataan ng maaga?

“ Hi mga kakosa at mga chix dyan kung ako sa inyo magaaral muna ako at magtapos ng kolehiyo upang magkaroon tayo ng masmagandang gobyerno at pamahalaan. Tama na muna ang kalibugan dapat ituwid natin ang ating mga sarili para sa magandang kinabukasan. No to sex yes to sports!”

Well sa totoo lang tama eh dapat pag - aaral muna ang asikasuhin. Tulad dito sa amin pabata na ng pabata ang nakikipag sex at ang mas matindi ang mga kalalakihan halos nawawalan na ng paggalang sa babae. Imagine 13,14 and 15 years old. May kilala nga ako 15 years old mahigit na 30 guys na ang nakagamit ano ba yan. At ang mali pa epekto ito ng industriya ng pelikula ang malalaswang panoorin. Dapat umaksyon na o kung hindi man maging open ang mga magulang sa sex para naman di magkaganyan ang kabataan.

At saka nga pala, papaano ba natin sila matutulungan kung may kakilala tayong ganun. Aber, saan dadalhin? Sa totoo lang i'm not against doon. Dapat lang kung gagawin nyo yun eh be responsible enough, alam mo kung ano ang mangyayari at ano ang consequences na haharapin mo. but remember na sex is not a game or a hobby, its a sacred ritual of love, blessed upon the church pero kung trip nyong gawin eh kayo bahala. Alam nyo naman siguro ang kaibahan ng tama sa mali. Diba?

Sa panahon ngayon, marami na ung nag - eengage sa premarital sex. Karamihan dyan ay ang mga kabataan. Kahit alam nilang mali un, ginagawa pa rin nila. Para sa akin, hindi yun dapat gawin ng mga kabataan dahil di makabubuti para sa kanila. Para lamang yun sa mga mag-asawa. na. Karamihan sa mga kabataan ngayon na nabubuntis nang maaga ay humahantong sa tinatawag na "Broken Family". Sex is a very sacred thing that should be treated with a lot of respect. Its a gift that God has given to married couples. Its a pleasure that should be enjoyed within marriage.


Post by: Rezelyn C. Ignacio

Comprehensive Sex Education



Ano nga ba ang Comprehensive Sex Education? Ito ay edukasyon na nagtuturo na ang sexuality ay natural at normal na parte ng buhay.

Ang Comprehensive Sex Education ay nakatuon sa pagtuturo ng from sexual intercoursemakatutulong ito para maiwasan ang maagang pagbubuntis lalo na sa mga kabataan at para maiwasan na din ang mga sexually transmitted deseases. Nakapaloob din dito ang paggamit ng mga CONTRACEPTIVES para maiwasan ang malagay sa alanganing sitwasyon.

Mas pabor sa akin kung maituturo na ang sex education sa mga high school student para mabawas bawasan naman ang mga napapariwarang kabataan ngayon. Dahil sa panahon ngayon imbis na ang mga kabataan ang pag asa ng bayan sila pa ngayon ang problema ng gobyerno. Kaya kung maituturo na ito sa mga kabataan madaragdagan ang kanilang kaalaman at hindi na sila sige ng sige na lang na parang hindi man lang nila naiisip ang maaring ibunga nito. Lalo na sa mga kabataang magsing irog kung ikaw ang babae huwag na huwag kang papayag sa gusto ng iyong kasintahan g lalaki dahil sa huli palagi na lang ang babae ang nagmumukang kaawa awa at talunan. kaya kung sasabihin sa iyo ng iyo’ng kasintahang lalaki na patunayan mo sa kanya na mahal mo talaga s’ya ito ang sabihin mo sa kanya “ikiskis mo sa cactus” o kaya naman “halika ipapakilala ko sa iyo si “MARY PALMER”.


Post by: Sherley E. Dela Cruz