Wednesday, October 7, 2009

Bahay Bata

"Eh, ayoko na ng taguan. Gusto ko ibang laro naman" sabi ng batang si Jun
"Anong gusto mong laro?" Sabi naman ng kalarong si Ine
"Ang gusto ko, hmmm. Bahay bahayan!"
"Bahay bahayan?"
"Oo kaw nanay ako tatay"
"Ah sige sige"
"Dito ang bahay natin."
"Eh pano naman natin to lalaruin?"
"Kunyari nagluluto ka tapos ako nagtratrabaho."
"Sige magsali pa tayo ng iba para kunyari anak natin."
"Eh ayaw ko, tayo na lang gagawa kunyari. Napanood ko kasi sa dvd ni papa."

Ooops, teka lang bago ko ituloy ang kwento puputulin ko munang excitements nyo. Ngayon napapansin natin ang pagbabagong nagaganap sa ating panahon. Maraming kabataan ang sumasailalim sa premarital sex.

Kuryosidad o curiosity ang nagtutulak sa mga ito upang gawin ang mga bagay na hindi pa dapat gawin. Sila na mismo ang humahanap ng paraan upang masagot ang kanilang mga katanungan.

Ang pagtuturo ng sex education sa elementarya at high school ay hindi pa ganap na tangap ng publiko. Sa kadahilanang marurumihan daw ang isip ng mga ito kesyo hindi pa daw to napapanahon upang ituro sa kanila.

Ang kapangahasan ang bunga ng kuryosidad, kuryosidad na unti unting pumapatay sa sa pagkatao ng mga kabataan. Kuryosidad na nagbubunga upang tangkilikin ang mga pornopograpiyang materyales na naguudyok sa kanila upang gawin ang premarital sex.

"Eh baka magalit si nanay."
"Bakit naman sila magagalit eh ginagawa din naman nila yun"
"Baka kasi magalit siya"
"Hindi yan bakit sasabihin mo ba?"
"hmm. Sige na nga."
"Ine! Asan ka na bang bata ka?"
Si inay tinatawag na ko. Sige next time nalang paalam."


Post by: Marinel Angeli Reyes

0 comments:

Post a Comment